Suspek sa pamamaslang sa binatilyo sa lungsod ng Sorsogon, kinasuhan na

Nahaharap na sa patong-patong na kaso ang dalawang suspek sa pamamaslang sa 17-anyos na binatilyo sa Brgy Barayong, West District, Sorsogon City.

Sa pamamagitan ng ‘regular filing in court,’ kasong murder at 4 counts of attempted murder ang kinakaharap ngayon ng mga suspek na sina Dandin Lactao Jarabese, 27-anyos, street sweeper, naninirahan sa Purok 7, Brgy Pamurayan, West District, Sorsogon City at Bernie Lactao Jarabese, 37-anyos, may asawa, recycler at residente ng Brgy Penafrancia, West District, Sorsogon City.

Kung babalikan, ang mga labi ng biktimang si Ivan Babasa Bosquillos ay natagpuan noong Mayo 2 sa gitna ng palayan sa Brgy Barayong, West Dsitrict, Sorsogon City. Nagtamo ito ng multiple stabbed wounds sa ibat-ibang parte ng katawan nito.

Ang iba pang biktima ay nakilalang sina Reymond Babasa Bosquillos, 23-anyos, binata, laborer; Angelo Babasa Bosquillos, 22-anyos, binata; Jemboy Geranco Galido, 21-anyos, binata at Jeffrey Abar Bosquillos, 22-anyos, binata, laborer lahat residente ng Camp Site, Brgy Guinlajon, West District, Sorsogon City.

Ayon sa salaysay ng mga biktima, pauwi na umano sila mula sa isang sayawan lulan ng motorsiklo nang tambangan sila ng mga suspek na lulan ng habal-habal, bumaba ang mga ito at ang isa ay may hawak na patalim at ang isa naman ay may hawak na itak.

Inundayan umano sila ng patalim at itak subalit naka-ilag sila at kanya-kanya na silang takbuhan at hindi na nila alam kung saang direksyon nakatakbo ang biktimang si Ivan.

Nagpapatuloy ngayon ang pagtugis ng tracker team ng Sorsogon City Police Station sa mga suspek na agad na tumakas matapos ang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *