Suspek sa Percy Lapid slay case iniharap sa media matapos sumuko sa PNP

Sumuko na sa mga otoridad ang suspek sa pamamaril sa broadcaster na si Percy Lapid.

Sa isang press conference ngayong umaga iprenisenta ni Interior Sec. Benhur Abalos ang suspek na si Joel Estorial.

Si Estorial ang nasa wanted poster na ipinakalat ng Philippine National Police matapos itong mahagip sa isang CCTV ilang minuto bago mangyari ang pamamaril kay Lapid.

Sinabi ng suspek na boluntaryo siyang sumuko sa mga otoridad dahil nakonsensiya at natakot sa kanyang seguridad matapos lumabas sa telebisyon at nagkalat sa social media ang kanyang larawan.

Idinagdag pa ni Estorial โ‚ฑ550,000 ang ibinayad sa kanila para patayin ang broadcaster kung saan pinaghata-hatian nila ito sa anim at idiniposito sa kani-kanilang bank account.

Pinangalanan din ni Abalos sina Edmon Adao Dimaculangan, Israel Adao Dimaculangan, at isang Alyas Orly o Orlando.

Ang tatlo ang itinuro ng sumukong suspek na umano’y kasama niya nang isagawa nila ang kremin.

Paglalahad ni Estorial si Alyas Orly ang nagmamaneho ng isang motor habang ang drayber naman ay si Israel.

Samantala sinabi ni DILG Sec. Abalos na patuloy nilang tinutumbok kung ang nag-utos o ang mastermind sa naturang kremin.

Nanawagan naman si Abalos sa iba pang mga suspek na sumuko na sa mga otoridad habang hindi pa huli ang lahat.

Magugunitang umabot sa P6.5-Million ang inilaang reward money sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek na pumaslang sa broadcaster na na si Lapid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *