Bantag, Zulueta hindi pa nakalalabas ng bansa- NBI

Hindi pa nakalalabas ng bansa sina suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag at Jail Officer Ricardo Zulueta ang dalawang tinuturong mastermind sa Percy Lapid slay case.

Ayon kay NBI supervising agent Atty. Eugene Javier wala pa silang natatanggap na report na umalis na nang Pilipinas ang dalawang BuCor officials.

Subalit nilinaw ni Javier na hindi pa nila aktibong pinaghahanap sina Bantag dahil wala pang inilalabas na warrant of arrest laban dito.

Sa ngayon sinabi ni Javier na nag-apply na sila sa korte para sa precautionary hold departure order laban sa dalawa upang mapigilan sakaling magtangka itong lumabas ng bansa.

Una nang nanawagan si Justice Sec. Boying Remulla kina Bantag at Zulueta na makipag-ugnayan at sumuko ng maayos upang mabigyan ng pagkakataon na mai-depensa ang sarili sa hukuman. //CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *