Suspended BuCor chief Bantag, tinukoy bilang mastermind sa pagpatay kay Percy Lapid

Inihayag ni Danilo Pelagio, ang legal counsel ng kapatid ng napatay na journalist na si Roy Mabasa na tinukoy ng ilang mga testigo ang suspendidong chief ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag na umano’y utak sa pagpatay kay Percival “Percy Lapid” Mabasa.

Ayon kay Pelagio, na kasunod ng pag-amin ng umano’y gunman na si Joel Escorial at pagpatay sa suspected middleman na si Jun Villamor, mas marami pang testigo ang lumutang at itinuturo si Bantag.

Pagbubunyag nito, na may tatlong gang leaders at isang minor inmates ang nagtukoy kay Bantag.

Nang matanong naman ito kung may mga ebidensya ang mga testigo laban kay Bantag, sinabi ni Pelagio na ibinunyag ng mga ito ang money trail sa payment sa gunman na naberipika sa pamamagitan ng bank deposits.

Dagdag ng abogado, na inilarawan din ng mga testigo kung papaanu at sinu ang kumuha sa pera bilang bayad sa pamamaslang.

Samantala, itinanggi naman ni Bantag ang naturang akusasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *