Swab testing booth laban sa delta variant sa Lobo, Batangas

Batangas -Nagpalabas na ng travel requirements ang bayan ng Lobo sa Batangas kabilang na ang pagdada;a ng negatibong swab test result upang maiwasan na makapasok ang pinangangambahang delta variant na meron na ang bansa.

Sa hiwalay na panayam kay Lobo Mayor Jurly Manalo sinabi nito na ang mayorya na nagposotibo sa kanilang bayan ay nanggaling sa labas ng kanilang bayan kung kayat kinakailangan nila ng dobleng pag-iingat.

Kaugnay nito ang mga babyahe papasok ng Lobo, Batangas ay naglagay na ang lokal na pamahalaan ng antigen swab testing booth sa Brgy Mapalad na Parang at Banal sa mga checkpoints dito na nagmamayon na maserbisyuhan ang mga papasok sa naturang bayan na walang dalang negative swab test result.

Ang nasabing booth ay pinundohan ng lokal na pamahalaan at maaring i-avail sa mas mababang halaga, P500 sa mga residente habang P800 naman sa mga hindi residente ng nasabing bayan.

Ang resulta nito ay maaaring makuha sa loob lamang ng kinse hanggang bente minutos. Ang swab testing ay maari lamang sa mga oras ng alas-8:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Sa huli ipinaalala na ang sinumang papasok sa bayan ng Lobo at darating sa checkpoints na lampas sa takdang oras ng operasyon ng testing booth ay nararapat lamang na magdala ng sariling negatibong resulta ng kanilang swab test at mga kinakailangan dokumento na magpapatunay na kanila ang naturang swab test result.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *