Sweden, malapit nang ideklara bilang kauna-unahang “smoke free” country sa buong Europa

MALAPIT nang ideklara ang Sweden bilang kauna-unahang bansa sa buong Europa na “smoke free”.

Batay sa datus, patuloy na naitatala ang pagbaba ng bilang ng mga naninigarilyo sa nasabing bansa kung saan noong 2019 ay nasa 6.4% na lamang ng kanilang kabuoang populasyon ang naninigarilyo.

Mas bumaba pa ang “smoking rate” sa Sweden noong nagdaang taon kung saan nakapagtala na lamang ng 5.6% batay sa talaan ng Public Health Agency ng bansa.

Ayon sa mga eksperto, ang puspusan at dekada nang anti-smoking campaigns ng mga pribadong grupo at organisasyon ang umano’y dahilan ng mababang bilang ng mga smokers.

Samantala, mayorya din umano sa mga younger generations ng bansa ang health conscious at pinapahalagan ang kalusugan batay sa survey.### JUMEL DELA ROSA, (cbsnews.com)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *