Swimmer Otom, kauna-unahang PH triple gold medalist sa 11th ASEAN Para Games

Nagbulsa ang Pinay swimmer na si Angel Otom ng dalawa pang gold medals, kabilang na ang isa sa record-breaking time, para maitalang kauna-unahang triple gold medalist sa 11th ASEAN Para Games.

Si Otom ay ang runaway winner sa women’s 50-meter butterfly S5 event s 48.070 seconds, halos walong segundo na mabilis kumpara sa 17-anyos na  Singapore’s R.T. Goh na nagtala ng 56.80 sa Manila ASEAN Para Games noong 2005.

Malayo ang agwat nito mula sa Vietnamese tankers na sina Thi Sari Nguyen at Thi My Thanh Dan, na second at third sa 1:14.150 at 1:32.460.

Mababatid na ang unang medalya ni Otom ay mula sa kanyang pag-domina sa women’s 50-meter backstroke sa 41.68 seconds.

Leave a Reply

Your email address will not be published.