Swine re-population and recovery program, inilunsad ng DA region 2

Inilunsad ng Department of Agriculture Region 2 ang kauna-unahang Swine Repopulation Program sa lambak ng Cagayan.

Ito ay inisyatibo ng National Livestock Program (NLP) at DA RO2 na dinaluhan ng 77 kalahok mula sa iba’t ibang ahensiya na katuwang ng DA.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ipinaliwanag mismo ni DA Undersecretary for Livestock William Medrano ang nasabing programa ng ahensiya sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion o INSPIRE.

Ayon pa kay DA Undersecretary Medrano, sa pamamagitan ng idineklarang State of Calamity ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mawakasan na ang problema dulot ng African Swine Fever.

Dagdag pa niya, marami na aniyang natatanggap na aplikasyon ang DA para sa nasabing programa.

Inihayag naman ni DA RO2  RD Narciso  Edillo na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa mga pamahalaang panlalawigan sa rehiyon upang magkaroon ng ordinansa sa implementasyon ng “Bantay ASF sa Barangay” o BABay ASF sa mga barangay.

Samantala, ayon pa kay RD Edillo minamadali na umano ng DA RO2 ang pagbili ng mga stocks na alagang baboy para sa repopulation program sa pamamagitan ng sentineling strategy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *