Switzerland, sisirain ang 10 million doses ng Moderna COVID-19 vaccine

Kailangan umanong sirain ng Switzerland ang nasa 10.3 million doses ng Moderna’s vaccine laban sa COVID-19, matapos na mag-expired na ito ngayong linggo.

Ayon sa health ministry, wala silang magagawa kundi tanggalina ng naturang mga bakuna, kung saan 2.5 million dito ay nakaimbak sa Swiss army logistics base at ang 7.8 million ay nasa external storage depot sa Belgium.

Una nang kinumpirma ng ministry ang initial report ng Swiss news site na Beobachter, na ang estimated cost ng doses na nakatakdang sirain ay nasa 280 million Swiss francs ($285 million).

Una nang napaulat ng Swissinfo news site noong Hunyo, na ang Switzerland ay may sobrang 38 million doses ng iba’t-ibang COVID vaccines, na mag-eexpire sa katapusan ng taon.

Ang Switzerland, na mayroong 13,556 deaths mula sa COVID-19, ay nakapagbakuna na ng halos 70 percent ng kanilang populasyon na 8.7 million.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *