Muli na namang magpatutpad ng taas-presyo sa liqufied petroleum gas o LPG ngayong araw.
Sa abiso, magtataas ng P2.25 ang kada kilo ng LPG Products ng Petron; habang ang kanila namang AutoLPG ay mayroon ding umentong P1.26 kada litro.
Ang Solane-branded LPG naman ay magtataas din ng P2.27 sa kada kilo nito.
Sa Phoenix LPG, may dagdag na P2.25 ang kada kilo ng kanilang LPG products; habang P1.25 ang idaragdag sa kada litro ng kanilang AutoLPG.
Ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau, inaasahan na ang taas-presyo sa mga LPG products dahil sa mas matas na global demand.
Matatandaang nito lamang Nobyembre nang magtaas ang oil companies ng P3.50 kada kilo; at P1.95 naman ang dagdag sa kada litro ng AutoLPG.
#