Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa CALABARZON ang pagdagdag sa minimum wage sa mga manggagawa sa private sector sa rehiyon.
Inilabas ang wage order noong September 1 kung saan nakasaad dito na dagdagan ng P35 hanggang P50 ang minimum wage.
Epektibo ito para sa mga empleyado na nasa private at non-agricultural workers sa CALABARZON.
Magiging P385 hanggang P520 na ang daily minimum wage sa mga nabanggit na mangagawa.