Taas-singil sa MERALCO – kasado na ngayong Setyembre

Asahan na ang mas mataas na bill sa kuryente ng mga customer ng Meralco ngayong buwan ng Setyembre.

Ito ay kasunod ng dagdag P0.50 kada kwh dahil sa pagmahal ng generation charge dulot ng paghina ng piso kontra US dollar.

Paliwanag ng Meralco, dahil sa naturang increase ay aabot na sa overall rate na P11.3997 per kWh, mula sa P10.8991 lamang noong Agosto.

Ibig sabihin, kung ang isang tahanan ay kumukonsumo ng 200 kwh, magkakaroon ito ng dagdag P100; dagdag P150 para sa konsumong 300 kwh; at P250 naman sa konsumong 500kwh.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *