Tabaco CDRRMO head, nagpositibo sa COVID-19 kahit fully vaccinated na

LEGAZPI CITY—Kinumpirma mismo ng namumuno ng City Disaster Risk Reduction and Management Council sa lungsod ng Tabaco na kasalukuyan itong nasa Isolation/Quarantine Facility sa Tabaco National High School matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Gel Molato, naniniwala ito na posibleng nakuha niya ang coronavirus sa Barangay San Antonio nang mag-isyu ito ng lockdown order dahil sa ilang nagpositibo rin sa naturang sakit sa lugar.

Kinumpirma rin nito na fully vaccinated na siya ng bakunang Aztrazeneca kaya’t naniniwala ang opisyal na mild lamang ang magiging epekto sa kanya ng sakit.

Anya, ilang araw matapos ang pagbibigay ng notice sa nasabing barangay, Sabado ng gabi, sumama na ang kanyang pakiramdam.

Una umano niyang ginawa ay nag ini-isolate ang sarili hanggang sa nakitaan ng mga sintomas tulad ng sipon, ubo at nawalan na rin ng panlasa at pang-amoy.

Paliwanag rin ni Molato, wala namang dapat pangambahan dahil nanatili siya sa bahay para mag-isolate at nang makakita na ng mga sintomas ay agad siyang nagpacheck.

Sa ngayon, kasalukuyan itong nagpapagaling at hangad sa publiko na patuloy na sumunod sa minimum health protocols para makaiwas sa nakakahawang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *