Tabaco City , Albay, isa sa mga naging pilot area para sa Advancing Basic Education in the Philippines (ABC+)

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Tabaco City Mayor Krisel Lagman na isa ang lunsod sa mga naging pilot area sa proyektong inilunsad sa lalawigan ng Albay tungkol sa Advancing Basic Education in the Philippines (ABC+).

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa alkalde, sinabi niyang nakatuon lamang ang proyektong ito sa dalawang rehiyon ay ito ay ang Bicol at Western Visayas, kung saan napakapalad ng kanilang lunsod sapagkat napili ito na mapabilang sa pilot areas.

Aniya, nakapagpatupad na sila ng ABC+ sa kanilang lunsod at susunod na ang lalawigan, at sinabi niyang napakaganda ng epekto ng nasabing proyekto sa lunsod, sapagkat sa pinakaunang pagkakataon ay nagkatipon hindi lamang ang mga nasa institusyon ng Department of Education (DEPED), ngunit maging ang ilang mga sectors tulad ng PWDs, mga matatanda, solo parents, at health upang pag-usapan ang tungkol sa edukasyon.

Ayon sa kanya, hindi naman kasi maaaring mahiwalay ang isyung may kinalaman sa edukasyon at sa kalusugan, lalung-lalo na noong panahon ng pandemya.

Sa paraan umano ng education sector mechanism, napagtipun-tipon ang mga nabanggit na sektor upang pag-usapan ang mga hakbang kung paano masosolusyunan ang mga isyu tungkol dit, lalo pa’t napag-alaman, aniya, na marami sa mga mag-aaral sa lunsod, partikular sa kindergarten hanggang grade 3 ang hindi pa marunong magbasa.

Kung kaya, ayon sa alkalde, agad silang gumawa ng paraan upang mabilis na maaksyunan ang suliraning ito sa kanilang lunsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *