Tabaco City Mayor, nananawagan sa mga LGU at sanggunian na magkaisa

“Time is too short” umano ayon kay Tabaco City Mayor Krisel Lagman-Luistro kaya naman panawagan niya bawat lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Albay na magkaisa.

Sinabi ng alkalde sa panayam ng Brigada News FM Legazpi na mahirap umanong umusad kung ang bawat isa o ang executive at legislative sa pamahalaan ay magkaiba at hindi nagkakaisa.

Aniya, kinakailangang iisa lamang ang galaw para sa ikauunlad ng kahat.

Para sa kanya, mapalad siya at nagpapasalamat na wala naman silang tensiyon sa pagitan ng kanilang LGU at ang sanggunian at mayroon umano silang magandang partnership.

Dahil umano dito ay madali silang nakakausad lalo na kung katatapos lamang ng mga kalamidad.

Hiling niya para sa lahat, nawa’y maging iisa ang kanilang hangarin sa pagpapaunlad at magkaroon na ng pagkakaisa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *