Tagapagsalita ni Narra Mayor Danao, iginiit na naglustay umano ng pera ng taong-bayan si Narra SB Joel Bito-Onon

Iginiit ng tagapagsalita ni Narra mayor Gerandy Danao na mayroong nilustay ng pera ng taong bayan si Sanggunian Bayan Member Joel B. Bito- Onon.

Sa programang Tira Brigada, inihayag ni Jojo Gastanes na pareho lang ang kahulugan ng Malversation on public property at Public funds- paglulustay umano ito ng salapi ng publiko.

Hindi raw ito maaaring paghiwalayin tulad ng Graft and Corruption dahil umano sa pagiging mayabang ng opisyal kaya siya nakasuhan at nahatulan pang guilty rito.

Gayunpaman, hindi umano hihingi ng tawad si Gastanes sa lokal na mambabatas at handa nitong harapin ang libel case na isasampa ni Bito-Onon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *