Taguig umapela sa Makati na huwag isabotahe ang transition sa 10 barangay

Umapela ngayon ang pamunuan ng Taguig City sa pamahalaang lokal ng Makati na huwag isabotahe ang transition ng 10 barangay sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling impormasyon.

Ginawa ng Taguig LGU ang pahayag matapos ang nangyaring ‘stand off’ sa pagsisimula ng Brigada Eskwela sa pagitan ng dalawang lungsod, partikular na sa mga paaralan na ngayon ay sakop na ng Taguig at Pateros DepEd Division.

Iginiit ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na hindi dapat ikabahala ni Makati City Mayor Abby Binay ang sasapitin ng nasa humigit-kumulang 30,000 mga mag-aaral na apektado ng transition dahil ang Taguig ay nagbibigay din ng school packages na benepisyo.

Handa din umano ang Taguig na ipaabot sa mga bagong mag-aaral sa EMBO ang lahat ng mga benepisyong ibinibigay sa kasalukuyang mga mag-aaral — hindi lamang mga libreng gamit sa paaralan, uniporme at sapatos, kundi mga scholarship para sa lahat ( hindi lang ang nangungunang 10%) mula P15-P110k para sa mga kumukuha ng vocational, 2-year o 4-year courses; mga kumukuha ng master’s at doctorate degree; at ang mga nagre-review para sa board at bar exams.

Sa huli nanawagan naman ang si Cayetano sa Makati na makipagtulungan at i-turn over sa Taguig bilang paunang hakbang ang sumusunod:

-Ang listahan ng mga Senior Citizens at Persons with Disabilities upang masimulan silang bigyan ng door to door ang kanilang mga regalo sa kaarawan;

-Ang listahan ng mga Senior Citizens at Persons with Disabilities upang masimulan silang bigyan ng door to door ang kanilang mga regalo sa kaarawan;

-Ang listahan ng mga residenteng may asthma, hypertension at diabetes para maihatid buwanang bahay-bahayan ang kanilang mga maintenance na gamot;

-Ang listahan ng mga residenteng nakahiga sa kama upang ang ating mga tauhan ng kalusugan ay mabisita sila nang regular at mabigyan sila ng pangangalaga sa bahay;

-Ang listahan ng mga nagbabayad ng buwis upang agad nilang ma-avail ang mas mababang rate ng buwis;

-Ang mga lansangan sa EMBO para tamasahin ng mga motorista ang No Number Coding policy ng Taguig.

Dagdag nito, dahil ipinagmamalaki ng Makati na mayroong napakaraming pera at mapagkukunan, maaari nitong isaalang-alang ang pagbibigay ng mga gamit sa paaralan, uniporme, at sapatos sa mga mag-aaral mula sa mga LGU na nasalanta ng mga kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *