Taiwan, ibinalik ang visa-free entry para sa Pilipinas sa Sept. 29

Muling ma-eenjoy ng mga Pilipino ang visa-free entry sa Taiwan simula sa susunod na linggo, na mayroong itinakdang allowable stay na hanggang 14 na araw.

Ayon sa Taiwan, sa pamamagitan ng kanilang Bureau of Consular Affairs (BOCA), na ang visa exemption program ay magbabalik sa ilang mga bansa, kabilang na ang Pilipinas mula Sept. 29, 2022 hanggang July 31, 2023.

Ang anunsyo ng naturang bansa ay matapos ang dalawang linggo nang sinabi ng Taiwan na pansamantala nilang sinususpende ang pribelihiyo para sa Pilipinas at 11 iba pang mga bansa.

Sinabi ng consular affairs bureau, na ang visa-exempt entry ay para lang sa mga dayuhan na may hawak na formal passports, gaya ng ordinary, official/service at diplomatic passports.

Hindi naman pasok dito ay may mga hawak na emergency, temporary, o iba pang informal passports o travel documents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *