Taliban, ipinagbawal sa mga kababaihan ang mag-aral sa Unibersidad

Mahigpit na ipinag-utos ng Taliban ang pagbabawal sa mga kababaihan na mag-aral sa unibersidad sa Afghanistan.

Nilagdaan ni Minister for Higher Education, Neda Mohammad Nadeem ang kautusan na agad na ipinatupad sa bansa.

Ang ban sa higher education ay matapos na libu-libong kababaihan ang kumuha ng university exams kung saan karamihan sa kanila ay naghahangad na maging guro at sa larangan ng medisina.

Matapos ang pagkuha sa bansa ng Taliban, napilitan ang mga unibersidad na magpatupad ng mga bagong alituntunin kabilang ang paghihiwalay ng kasarian sa mga silid-aralan, habang ang mga babae ay pinahintulutan lamang na turuan ng mga babaeng propesor o matatandang lalaki.

Karamihan sa mga teenagers na babae sa buong bansa ay pinagbawalan na rin sa secondary school education.

Ang bagong kautusan ay taliwas sa naging pangako ng Taliban na mula ng mamuno sila noong nakaraang taon ay sinabi nila ng magiging malambot sila sa paghihigpit sa mga kababaihan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *