Tamang pagtatapon ng dume ng mga alagang hayop, muling ipina-alala ng Naga City Veterinary Office sa mga livestock owner

NAGA CITY – Ilang residente na naman sa lungsod ng Naga ang naperwisyo dahil sa umaalingasaw na namang mabahong dume ng mga alagang hayop partikular na ang baboyan.

Kung saan naiparating na rin ito sa Naga City Veterinary Office.

Ayon kay Dr. Junios Elad, City Veterinarian, kailangan makita kung saan nagkulang ang hog raiser nang matulungang muli ang paraan ng pagtatapon ng mga dume, gawin ang pagdis-infection sa mga kulungan. Kapag solid dapat maibaon sa lupa, ang ihi naman maaring ilagay sa bukas na poso negro nang maging fertilizer at pandilig na rin sa mga halaman.

Sakali man aniyang magmatigas pormang nang maghain ng reklamo laban sa may ari lalo na’t hindi lamang ito para sa ikalalago ng mga livelihood o negosyo sa lungsod maging sa kapakanan ng mga residente na hindi makapangperwisyo.

Samantala, nagpapatuloy ang distribution ng hog o baboy sa lungsod sa mga nawalan nito dulot ng African Swine Fever, nasa 280 na ngang swine raiser ang nabigyan. Inaanyayahan naman ng opisina ang mga nasa master list na hindi pa nabibigyan mangayring pumunta na lamang sa kanilang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *