Tanod, sinaksak sa likod habang nanonood ng pageant sa Laurel, Batangas

Sugatan ang isang chief tanod matapos na saksakin sa likod habang nanonood ng pageant sa covered court ng Brgy. Buso-Buso, Laurel, Batangas.

Kinilala ng Laurel Municipal Police Station ang biktima na si Lito Pesigan y Carolino, 47-anyos at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, pasado alas-8:30 ng gabi noong Sabado, Pebrero 18 habang nanonood ang biktima ng Gandang Nanay competition ng biglang dumating ang suspek na si Larry Carolino, isang fish vendor, at sinaksak sa likod ang biktima.

Agad na tumakas ang suspek habang dinala naman sa ospital ang sugatang biktima.

Inaalam na ng mga otoridad ang totoong motibo ng nakatakas na suspek ngunit tinitingnan na mayroong hidwaan ang dalawa.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *