Tanod tinangay ng malakas na agos ng baha sa Goa, Camarines Sur

NAGA CITY – Tinangay ng malakas na agos ng baha ang isang Barangay Tanod sa Goa, Camarines Sur habang tumatawid sa tulay.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Cris Rivero ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Goa.

Ayon kay Rivero, isang tawag ang natanggap nito kaninang 10:00 ng umaga kaugnay ng insidente sa Barangay Laki-laki, kung saan tinangay ng rumaragasang tubig baha ang isang babaeng tanod matapos na umapaw na ang tubig sa tulay.

Kaagad namang nagsagawa ng Rescue Operation ang mga personahe ng MDRRMO katuwang ang PNP para hanapin ang inanod na Barangay Tanod.

Patuloy na inuulan ang Bicol Region dahil sa pinagsamang Amihan at Shearline.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *