Tapat na mga kawani ng City Solid Waste Management, pinuri ng publiko

Umani ng papuri mula sa publiko ang mga tauhan ng Puerto Princesa City Solid Waste Management.

Ito ay matapos nilang magpamalas ng katapatan sa isang residente ng Barangay Sta. Lourdes nitong Lunes, March 13, 2023.

Ayon kay Joshua Sabuero, isinauli sa kanya ng mga garbage collector ang kanyang cellphone na nalaglag umano habang siya’y nagmomotorsiklo patungo sa Barangay Sicsican noong araw na iyon.

Bagaman hindi na nito nakuha ang mga pangalan ng mga kawani ng CSWM ay lubos niya itong pinasalamatan at ipinagmalaki ang kanilang katapatan sa pamamagitan ng social media post.

Samantala, hinangaan naman ng netizens ang kabutihang loob ng mga garbage collector at ayon sa isang netizen ay dapat dumami pa ang mga katulad nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *