Target na 1,500 individuals ng PRC-Isabela sa bayan ng Tumauini, nabakunahan na


Nabakunahan na ng Philippine Red Cross Isabela Chapter ang 1,500 na indibidwal sa Tumauini, Isabela sa kanilang isinagawang apat na araw ng mobile vaccination clinic roll-out.


Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PRC-Isabela Chapter, ang naturang bilang ay nakatanggap ng unang dose ng Sinovac vaccine noong September 6, 7, 8 at 13 sa limang community center ng bayan.


Ito ay kinabibilangan ng Tumauini Community Center kung saan 479 rito ang nakatanggap ng unang dose ng Sinovac noong September 6.


Nagtungo naman sa Lanna Community Center ang Bakuna Bus kung saan 186 ang nabakunahan habang 135 naman sa Fugu Sur Community Center noong September 7.


Nasa 363 naman na indibidwal ang nabakunahan sa Sto. Niño Community Center noong September 8.


Huling pinuntahan ng Bakuna Bus noong September 13 ang Antagan 1st kung saan 166 ang nakatanggap ng unang dose ng Sinovac vaccine at karagdagang 171 na indibidwal naman sa Tumauini Community Center.


Sa kabuoan ay 1,500 na residente ng Tumauini Isabela na kabilang sa priority group A1, A2, A3 at A4 ang nabakunahan.


Nakatakda namang magkaroon ng schedule ang PRC -Isabela Chapter sa Cabagan, Isabela para magsagawa ng parehong aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *