Target na mahigit sa 100 blood donors sa Legazpi City, naabot ng City Health Office

LEGAZPI-Naabot ng City health office ang aabot sa mahigit 100 na blood donors sa katatapos pa lamang na 2022 World Blood Donors Month sa lungsod ng legazpi.

Ayon kay City Health Officer Fullbert Alec Gillego, ang aktibidad ay pinangunahan ng Liga ng mga Barangay sa lungsod kung saan ang 70 barangay ay nagkaroon tig lilimang blood donors.

Aniya, ninanais rin sana ng mga barangay na magsagawa rin nang blood letting activity ngunit wala silang pondo para sa aktibidad.

Aminado ang nabanggit na opisina na sa loob ng anim na buwan, mababa ang kanilang collective bloods. Dahil dito, layunin ng aktibidad ang mapataas ang blood reserves sa lungsod.

Ang nakolektang dugo ay papakinabangan ng mga tao mula bata hanggang sa senior citizen minsan ay naibibigay rin ito sa mga ibang lugar.

Kasama sa mga matutulungan nito ang mga sumasailalim sa dialysis, emergency cesarian section, nagkakasakit sa dengue o malulubhang infection na kinakailangan na palitan ng dugo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *