‘Target na makamit ang COVID-19 herd immunity, posibleng i-extend sa Enero’

Posibleng i-extend ng Pilipinas sa January 2022 ang target date para makamit ang herd immunity laban sa nakamamatay na COVID-19 infection. 

Ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III pero dedepende pa rin umano ang lahat kung sasapat ang suplay ng COVID-19 vaccine. 

Ayon sa kalihim, kung makakapagbakuna ang bansa ng 500,000 katao kada araw, aabutin ng 140 araw ang pagbabakuna ng first dose sa 70 milyong indibidwal.

Kaya naman posibleng sa November, December, o pinakamatagal na ang January makakamit ng bansa ang herd immuity.

Un nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na posibleng makamit ng bansa ang benchmark para sa herd immunity na 58 hanggang 70 milyon ng populasyon na makatanggap ng full doses pagdating ng November. 

Sinabi ni Duque na malapit nang maabot ng Pilipinas ang target na mabakunahan ang 500,000 tao kada araw matapos na pumalo sa 350,000 inoculations noong Miyerkules. 

Inaasahang makakatanggap ang bansa ng mahigit 10 milyong COVID-19 vaccine doses ngayong buwan at 11.67 milyong doses sa July.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *