82K individuals target mabakunahan araw-araw sa Bayanihan Bakunahan sa Guinobatan, Albay

LEGAZPI CITY – Isasagawa ngayon araw ang Bayanihan Bakunahan sa Mauraro Covered Court sa bayan ng Guinobatan, Albay kaugnay sa National Vaccination Day.

Ayon Kay Annie Rose Clarino, ang nurse IV ng Albay Provincial Health Office (APHO) target ng mga ito na dapat mabakunahan ay nasa 82, 620 bawat araw upang makamit ng lalawigan ang heird immunity.

Aabot sa 247, 860 ang kabuuang target na mabakunahan sa loob ng tatlong araw sa vaccination site area.

Ninanais ng Provincial Government ng Albay na makuha nito ang kanilang target population na 987,197 na mabakunahan mula sa 1.3 milyong kabuuang populasyon sa lalawigan.

Inaasahan bukas rin Ang pagbabakuna sa Albay Astrodome sa Legazpi City sa Nobyembre 30 at Xentro Mall sa Polangui sa darating naa Disyembre 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *