Task Force Build Back Better, pinirmahan ni Pangulong Duterte

Pinirmahan ni President Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 120 na bumubuo sa Task Force Build Back Better na pamumunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito’y parte sa Duterte Legacy na may temang Mas magandang kalikasan at kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

Layunin ng ordinansa na palakasin ang post-disaster rehabilitation at recovery efforts sa mga lugar na madalas tamaan ng bagyo kabilang na ang mga lugar na lubos na naapektuhan ng bagyong Rolly at Ulysses.

Samantala, kabilang din dito ang paglilinis at pagtatanim ng puno sa Cagayan, Marikina at Bicol rivers. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *