Task force na tututok sa Super Typhoon Mawar, binuo na ng MDRRM Libmanan

CAMARINES SUR- Binuo na ng Libmanan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRM) ang Task Force na tututok sa paghahanda at pagresponde sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni MDRRM Officer Rowel Tormes. Bukod sa mga nasa emergency response kasama sa task force ang CASURECO I at Municipal Agriculture office. Nakatakda na ang trimming sa puno , upang hindi mabuwal kung lalakas ang hangin at hindi rin magdala ng pinsala sa mga kable ng kuryente. Ang MAO naman magmomonitor na sa mga pananim at aabisuhan ang mga magsasaka na manatiling nakamonitor sa rainfall forecast at bugso ng hangin.

Ang mga residente naman na malapit sa Bicol at Libmanan River ay pinag-iingat na sa posibilidad ng pagbabaha. Gayundin ang mga nasa low lying areas.

Ang lugar ang pinakamalaking bayan sa Camarines Sur, kabilang sa mga nakakapagtala ng maraming evacuees kapag may sama ng panahon.

Maliit man ang posibilidad ng pagtama ang bagyo sa kalupaan ng Pilipinas , panawagan ni Tormes ang huwag makampante lalo na pabago-bago ang estado ni Mawar, naging bagyo, super typhoon hanggang sa maibaba sa bagyo nitong nagdaang araw at lumakas muli sa pagiging super typhoon kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *