Task force Oil Spill, bubuuin ng pamahalaang panlungsod ng Puerto Princesa

Bubuo ng Task Force Oil Spill ang Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa para tumutok sa posibleng oil spill sa dalampasigan ng lungsod.

Sa flag raising ceremony nitong Lunes, inatasan ni Mayor Lucilo R. Bayron si City Administrator Atty. Arnel Pedrosa na mag-isyu ng isang Executive order para i-organisa ang nasabing task force.

Kailangan umano na ang bubuuhing task force ay mabigyan ng instruction na makipag-ugnayan sa lahat ng mga munisipyo at probinsya kung saan nanggaling ang langis.

“Kailangan ang task force na ito mabigyan ng instructions na mag-coordinate sa lahat ng municipalities, provinces kung saan nanggaling ‘yung oil spill para lagi tayong involve kung saan na ang oil spill na ‘yan tsaka ma-anticipate natin na parating na talaga o hindi naman [ ang oil spill].”  Ani Mayor Lucilo R. Bayron

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *