Task Force SK3 nilinaw ang tungkol sa implementasyon ng window hour scheme

Nilinaw ng pamunuan ng Seguridad Kaayusan Katranquilohan Kauswagan Task Force (SK3) na ang ipinapatupad na window hour scheme sa lungsod para sa mga Public Utility Jeepney at mga delivery trucks ay hindi manera ng City o Provincial Government kundi manera ng Land Transportation Office (LTO) batay na rin sa Omnibus Franchising Guidelines ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ayon kay Task Force SK3 head Arnel Anchinges, kung ang nasabing guidelines ang susundin ay talagang hindi na dapat na pinapapasok sa city proper ang nasabing mga behikulo subalit dahil umano sa pakiusap ng Alkalde ng syudad kung kaya ito ay pinayagan.

Sa pinapahintulutang scheme, puwedeng makapasok sa oras na alas 6:00 ng umaga, ala 1:00 at alas 4:00 ng hapon o mga rush hour ang mga jeepney habang sa oras naman na bawal ang mga ito ay saka naman papayagan ang mga delivery trucks.

Aniya ang nasabing hakbang ay upang maiwasan ang congestion sa sentro ng lungsod at masiguro din ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga commuters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *