Tatlo katao arestado sa Japan dahil sa ‘sushi terrorism’ pranks

Tatlong katao ang inaresto sa Japan dahil sa prank sa isang conveyor-belt sushi restaurant matapos na kumalat ang isang footage na binansagang “sushi terrorism” na nagdulot ng galit sa mga netizens online.

Ayon sa pulisya, ang mga naaresto ay isang 21-year-old Ryoga Yoshino isang 15-taong-gulang na batang babae, habang ang ikatlong miyembro ay isang 19-taong-gulang na lalaki.

Inakusahan ng pulisya ang mga suspek na sinisiraan ang restaurant chain na Kura Sushi.

Base sa kumalat na clip, nakita ang isang miyembro ng grupo na kumukuha ng isang piraso ng sushi mula sa isang plato habang dumadaan ito sa kanila at isinubo pagkatapos ay uminom ng toyo nang direkta mula sa isang communal bottle.

Ang pag-aresto sa mga ito ay pinaniniwalaang kauna-unahan sa Japan, na isang bansang may mataas na pamantayan sa kalinisan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *