Tatlo pang munisipyo sa Camarines Norte napabilang sa nabigyan ng allocation for COVID response sa ilalim ng KALAHI-CIDSS

CAMARINES NORTE- Napabilang ang tatlo pang munisipyo sa lalawigan ng Camarines Norte sa kasalukuyang coverage ng Additional Financing (AF) sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan –Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) na isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Naglaan ang ahensiya ng nasa PHP 720,673,800.00 na halaga ng community grant sa karagdagang 39 na bayan sa Bicol na layong matugunan ang epekto ng pandemya.

Ang tatlong munisipyong ito ay ang Basud, Capalonga at Labo.

Ayon kay DSWD Regional Director Leo Quintilla, gagamitin sa Additional Financing project ang Disaster Response Operations Modality (DROM), isang “simplified” procedure ng programa para mapabilis ang implementasyon ng mga community- identified projects.

Ang mga community projects na tutukuyin ng mga komunidad ay may kaugnayan sa COVID-19 recovery efforts tulad ng Cash-for-Work scheme, rehabilitation of facilities o public buildings, provision of PPEs, hygiene kits, cleaning supplies, at iba pa.

Matatandaan na unang napabilang sa mga pinaglaanan ng proyekto ay ang mga bayan ng Paracale, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Talisay at Vinzons.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *