Tatlompu’t walong potential private armed groups sa bansa, mino-monitor ngayon PNP

Patuloy na minomonitor ng Philippine National Police ang tatlompu’t walong postential private armed groups sa bansa.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, bumaba na ang bilang na ito mula sa apatnapu’t tatlo noong una matapos ma-delist dahil ilan sa mga aktibong miyembro nito ang nahuli na at nakasuhan.

Karamihan aniya sa mga ito ay naka base sa Mindanao.

Sinabi ni Fajardo, bukod sa mga potential armed group, apat na active armed groups pa ang kanilang minimonitor.

Ang mga grupong ito ang sinusubaybayan ng mga awtoridad na maaari aniyang magdala ng kaguluhan o makaapekto sa nalalapit na halalan sa Oktubre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *