Tatlong bayan sa Sorsogon, idineklarang drug cleared ng PDEA RO5

Tatlong bayan sa lalawigan ng Sorsogon ang idineklarang drug cleared municipality ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Regional Office V. Ito ay ang mga bayan ng Juban, Barcelona at Pilar.

Sa bayan ng Juban, pinangunahan mismo ng alkalde ng bayan na si Mayor Gloria Alindogan ang pagtanggap ng parangal bilang drug cleared municipality sa People’s Mansion sa lungsod ng Sorsogon.

Bago ang nasabing parangal, mabusising tiningnan ang mga accomplishments ng bawat bayan lalo na sa pagpapatupad ng hakbang ng Pamahalaan laban sa mga ipinagbabawal na gamot.

Nitong buwan ng Oktubre, nagkaroon na rin ng pagtitiponn ang Regional Oversignt Committee on Barangay Drug Clearing o ROC BDC para repasuhin ang mga accomplishments ng 80 mga barangay mula sa mga bayan ng Barcelona, Bulusan, Casiguran, Gubat, Juban, Magallanes, Matnog, Pilar at Sta. Magdalena para makita kung mananatili  ba ang mga ito sa status bilang drug cleared barangay.

Sa 80 mga barangay, 5 mula sa Casiguran at Sta Magdalena ang magkakaroon ng Resolution para sa No Presence of Active Drug Personality for Drug Free Barangay, 4 na barangay naman mula sa Pto. Diaz ang for Verification  ng kanilang drug free status, 3 barangay mula sa Matnog ang for confirmation naman bilang Unaffected barangays at drug free at isang barangay mula sa bayan ng Bulan ang declared bilang drug free barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *