Tatlong dekadang Rido ng dalawang pamilya sa Lanao del Sur, Natuldukan na!

NATAPOS na rin ang clan war ng dalawang magkalabang pamilya sa bayan ng Malabang, Lanao del Sur pagkaraan ng mahigit tatlong dekada.

Kahapon isinagawa ang settlement ng mga ito sa headquarters ng Marine Battalion Landing Team – 5 na nasa sa Brgy. Matling ng bayan ng Malabang,.

Ang clan war ay sa pagitan ng Pamilyang Dalma Picong at Dalma Salagaan na sinasabing nagsimula dahil lamang sa eleksyon.

Ayon kay Lanao Del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr, taong 1998 nang magsimula ang rido ng dalawang pamilya makaraang paslangin ang isang Linog Saliling Dangkal kasama ang isang 11-year-old na batang babae mula sa Salaagan clan.

Doon na nagsimula ang gantihan ng dalawang pamilya at kahapon sa matagumpay na settlement ay inihayag ng gobernador na walang dapat na sumira sa napagkasunduan dahil ang makikialam na ang Gobyerno, AFP at PNP.

Naging matagumpay ang settlement kahapon sa pagsusumikap ng Municipal Government ng Malabang, Lanao del Sur Provincial Government, Marine Battalion Landing Team 5 at Ministry of Public Order and Safety.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *