Tatlong lalaki sugatan matapos saksakin sa San Antonio, Quezon, suspek arestado

Sugatan ang tatlong lalaki matapos saksakin sa Public Market ng Barangay Buliran sa bayan ng San Antonio, Quezon nitong Sabado, Enero 28.

Kinilala ang mga biktima na sina Ryan Miller Hernandez, 21 anyos, Carlo Alyson Lacerna, 32 anyos at Marvin Mendoza 30 anyos na pawang mga residente ng naturang bayan, habang kinilala naman ang suspek na si Arnel Bulaklak Umali, 20 anyos at residente rin ng naturang bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng personahe ng San Antonio Municipal Police Station (MPS), lumalabas na bandang alas 9:30 ng gabi ng naturang araw, habang nagaganap ang isang Car at Motorcycle Show sa naturang lugar ng insidente nang sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang pinagsusuntok ng mga naturang biktima ang suspek.

Kung saan, kalaunan ay doon na binunot ng suspek ang kanyang balisong at saka pinagsasaksak ang mga biktima. Samantala, naaresto naman ang naturang suspek at nakumpiska ang ginamit nitong balisong at posibleng mahaharap sa kasong Frustrated Homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *