Naiuwi ng 3 mananaya sa Bulacan ang paghahatiang Php81 million jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 kagabi October 9, 2023, ayon sa inilabas na advisory ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Dagdag pa ng PCSO, nanalo sa winning combination na 34-41-11-01-10-07 ang tatlong mananaya.
At ang higit pa roon, ayon sa ahensya binili ang 3 lotto ticket sa may McArthur Highway sa Malolos, City Bulacan.
Hinimok din ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na ipagpatuloy ang pagsuporta sa laro ng ahensya upang madagdagan ang revenue ng mga national charities sa bansa.