Tatlong Masbateṅa, sasabak sa Ms U-PH

SORSOGON CITY – Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi lang ang dating PBB housemate at actress na Kisses Delavin o Kirsten Danielle Tan Delavin sa tunay na buhay, ang sasabak sa Miss Universe Phils 2021.

Pasok din sa Top 100 ang dalawa pang tubong Masbate na sina Janela Cuaton at Jamilla Van Gestel na parehong mga national title holders na rin.

Kamakailan ay nag-trending si Kisses nang ipinalabas na ang listahan ng Top 100 candidates para sa Ms U-2021 kung saan kasali ang dalaga.

Proud na proud naman ang Masbateṅos at supporters ni Kisses at kumbinsido ang mga ito na malaki ang tsansa ng kanilang kababayan at idolo na mananalo ito at magiging successor ni Rabiya Mateo.

Si Kisses ay hindi na baguhan sa mga beauty contest dahil title holders na ito kabilang sa kanyang lalawigan, kabilang ang Miss Kaogma 2016, Ms Masbate, finalist sa Ms Teen Earth Phils, Ms Alma Mater, Miss Junior Masbate Natl Comprehensive HS at Miss Teen Masbate 2013.

Umaasa rin ang mga Masbatenos na magkakaroon ng back-to-back win ang kababayan nila na sina Kisses at Hannah.

Si Hannah Arnold, ang newly crowned Bb Pilipinas International ay siyang kintawan ng Masbate sa Bb. Pilipinas na naganap noong Hulyo 11, 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *