Local News

Tatlong sanggol kabilang sa pitong indibidwal na pinakabagong tinamaan ng COVID-19 sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng pitong bagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Information Office,  kabilang sa mga tinamaan ng COVID- 19 ay ang tatlong sanggol edad apat at anim na buwang gulang gayundin ang isang taong gulang.

Ang apat na buwang gulang na sanggol ay babae na nakaranas ng sintomas tulad ng lagnat, pagsusuka at pagtatae.

Naka-isolate ngayon ang pasyente sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Ang anim na buwang gulang na sanggol naman ay isa ring babae na nagsimulang makaranas ng sintomas tulad ng lagnat, ubo hirap sa paghinga at anorexia noong May 14.

Isinailalim ang pasyente sa RT PCR test at lumabas na positibo ito sa sakit noong May 18.

Ang isang taong gulang na sanggol naman na nagpositibo rin sa sakit ay nagsimulang makaranas ng sintomas noong May 9.

Maliban sa mga sanggol, dalawang senior citizen din ang tinamaan ng COVID- 19.

Isa dito ay ang 63 anyos na lalaki na mayroon umanong sakit sa baga.

Nagsimulang makaranas ng sintomas ang pasyente tulad ng ubo at sore throat noong May 16.

Lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID- 19 noong May 19.

Tinamaan rin ng COVID- 19 at nasawi ang isang 61 anyos na babae na mayroong hypertension

Nagpositibo rin sa sakit ang isang 25 anyos na babae na mayroon ding hypertension. Naka- home quarantine ngayon ang pasyente

Isa ring 27 anyos na babae ang nagpositibo sa COVID- 19. Nagsimulang makaranas ng lagnat ang pasyente noong May 14 na ngayon ay naka- home quarantine.

Kaugnay nito ay nagpaalala ang Lokal na Pamahalaan sa publiko na patuloy na mag ingat dahil hindi pa tapos ang pandemya.

Hinihikayat ang eligible population na magpabakuna kontra COVID- 19.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center as of May 15, 2023 nasa 31, 279 o 82. 6 % ng target population na 37, 857 ang nabakunahan.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago