Tatlong trainees ng TESDA sa Zambales, sasabak sa 2022 World Skills Competition sa China

Sasabak sa pandaigdigang paligsahan ng kakayahan ang tatlong Zambalenyo na trainees ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Ito ay dahil sa pagkapanalo ng mga trainees na nakuha ang gold, silver at bronze award sa 2021 Philippine National Skills Competition nakaraang Disyembre sa Fort Bonifacio, TESDA Complex sa Taguig City.

Ang TESDA Zambales Team ay sina John Uelmar Heradura na nakuha ang gold award sa bricklaying category, James Movilla Jr., silver medallist sa larangan ng joinery at John Carlo casipit na nakuha ang bronze medal sa larangan ng networking cabling.

Bukod sa medalya at parangal na natanggap ay nakapag-uwi ng sixty-five thousand pesos sa kabuuan ang tatlo mula sa national competition.

Ang skills training competition ay sinalihan ng apatnaraang TESDA trainees sa buong bansa.

Sa ngayon, pinaghahandaan at matindi ang ginagawang pagsasanay ng tatlong zambales tesda trainees na sasabak sa 2022 world skills competition sa Shanghai China sa buwan ng Oktubre.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo Courtesy: Tesda Information Officer Mary Florence Imingan

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published.