3 US Marine, patay; 20-katao, sa pagbagsak ng military aircraft sa Australia

NASAWI ang tatlong US Marine habang 20 na kasamahan nito ang sugatan matapos bumagsak ang sinasakyang MV-22B Opsrey aircraft sa ikinasang military drill sa Australia, sa Melville Island.

Ayon kay Northern Territory Police Commissioner Michael Murphy, walang nakatakas sa aksidente dahilan para isugod ang lahat ng mga sakay nito sa hospital.

Sa kasalukuyan, siniguro naman ng Marine Rotational Force na patuloy pa ring isasagawa ang recovery efforts para sa mga biktima nito at pag-imbestiga sa ugat ng insidente. 𝗝𝗢𝗛𝗡𝗢𝗔𝗛 𝗠𝗔𝗘 𝗔. 𝗭𝗘𝗣𝗘𝗗𝗔, 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *