Taxi driver, naisahan ang limang magnanakaw matapos niya itong ibaba sa checkpoint

Diretso sa kulungan ang tatlong magnanakaw matapos silang ihatid ng mismong driver ng kanilang nasakyang taxi sa mga otoridad.

Kinilala ang mga suspek na sina Melvin Akisio, 18-anyos, Renzo Lucutan, 19-anyos, Jomar Domingo, 20-anyos at dalawang menor de edad.

Una rito ay sumakay sa taxi ang limang suspek at nagpapahatid umano sa Camp 6 sa Tuba at habang sila ay nasa kahabaan ng Kennon Road ay napansin ng taxi driver na may dalang baril ang mga ito.

Maya-maya ay nakarinig umano ang taxi driver ng putok ng baril mula sa backseat na ginawa naman niyang alibi upang makalabas ng taxi.

Nagpanggap umano ang driver na nasiraan ito ng gulong kung kayat hinayaan naman siya ng mga suspek.

Nang makumpirma ng taxi driver ang kanyang mga hinala ay agad itong nag u-turn papuntang QCP border checkpoint kung saan ito humingi ng tulong sa mga otoridad.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang piraso ng Cal 9mm.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kennon Road Police Station ang mag suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *