Taxi drivers, malabong maisali ngayon sa fuel subsidy program – LTFRB

Aminado ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tali ang kamay nila para mabigyan din ng fuel subsidy ang iba pang tsuper ng ibang mode of public transportation kagaya ng mga taxi.

Sa ngayon kasi aniya ay tanging mga kwalipikadong tsuper lamang ng pampublikong jeepney ang kasali sa fuel subsidy kaya nagmamakaawa ang mga taxi driver na isali naman sana sila sa programa.

Paliwanag ni Atty. Zona Russet Tamayo, Officer-in-charge ng LTFRB Legal Division na alinsunod kasi sa probisyon ng TRAIN Law na ang mga driver ng jeep lamang ang ispesipikong nakalagay para bigyan ng fuel subsidy kapag hindi napigilan ang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Gayunpaman, sinabi ni Tamayo na isinusulong na rin at pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB na sakaling magpatuloy pa ang pamamahagi ng fuel subsidy sa susunod na taon ay posibleng magkaroon na din ng ayuda para sa mga taxi drivers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *