Taylor Swift, highest-paid female entertainer sa mundo – Forbes

Itinuturing na highest-paid female entertainer sa mundo si Taylor Swift sa 2022 edition ng listahan ng “World’s 10 Highest-Paid Entertainers” ng American business magazine na Forbes.

Pumasok sa ika-siyam, na may kabuuang kita na $92 milyon o humigit-kumulang P5 bilyon, si Swift ang nag-iisang babaeng entertainer na kasama sa ulat ng Forbes .

Ito ang ikaanim na beses na napabilang ang mang-aawit sa magazine’s annual list na dati nang nanguna noong 2019.

Kamakailan lamang, naging kauna-unahang artist si Swift na sabay-sabay na nakakuha ng 10 puwesto sa top US song chart kasunod ng paglabas ng kantang “Midnights.” Ayon sa entertainment magazine na Billboard, ito ang unang pagkakataon sa “chart’s 64-year history” na isang artist ang nangibabaw sa top 10.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *