Taylor Swift, Joe Alwyn hiwalay na raw makalipas ang 6 na taong relasyon

Hiwalay na raw ang international singer na si Taylor Swift at Joe Alwyn matapos ang anim na taon nilang relasyon.

Ayon sa ulat ng U.S.-based media outlet na Entertainment Tonight , mag-isa lamang daw si Swift na nagtungo sa kaniyang sold-out Eras tour at hindi naispatang kasama si Alwyn.

Ilang linggo na umanong break ang dalawa.

Noong 2016 unang napaulat na nasa dating stage ang Grammy winner at aktor kahit na maugong na ang bali-balita tungkol dito, napanatili pa rin nina Swift at Alwyn na maging pribado ang kanilang relasyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *