Tboli, planong magtayo ng dagdag na mga Covid-19 isolation facilities

KORONADAL CITY — TARGET ngayon ng local government unit ng T’boli, South Cotabato na magtayo ng dagdag na mga Covid-19 isolation facilities.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay T’boli Mayor Dibu Tuan, kinumpirma nito na may hinihintay ang bayan na P12 million na pondo mula sa DSWD para sa pagpapatayo ng dagdag na mga isolation facilities.

Ayon kay Tuan handa na ang mga lugar na pagtatayuan ng nasabing mga isolation facilities bilang paghahanda sakaling dumami pa ang kaso ng Covid-19 sa kanilang bayan.

Sa ngayon, 25 bahay kubo ang ginagamit ng Tboli bilang isolation facilities sa mga nagpopositib sa Covid-19. Bago matapos ang buwan ng Hunyo, nasa 60 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa nasabing bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *