TD Lannie, magpapaulan sa Visayas at Mindanao

Isa nang tropical depression ang weather disturbance na naispotan sa layong 110 kilometers, Silangang bahagi ng Surigao City, Surigao del Sur.

Tinawag ng PAGASA ang bagyo bilang Lannie, na inaasahang magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 55 kph.

Dahil sa tropical depression ay asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pabugso-bugsong hangin sa buong Visayas, MIMAROPA at Caraga.

Mararanasan naman sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Bulacan, Aurora, Bataan, at sa nalalabing bahagi ng Mindanao ang kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat dahil sa epekto ng trough ng tropical depression.

Nag-abiso naman ang PAGASA sa publiko na paghandaan na ang posibilidad ng pagbaha at landslides.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *