TD Lannie, nag-iwan ng P31.7-M na danyos sa agrikultura —DA

Nag-iwan ng P31.7 million na danyos sa agrikultura ang Tropical Depression Lannie.

Batay sa Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM-OpCen) ang weather disturbance ay nakaapekto sa 1,953 na mga magsasaka, na may volume ng production loss sa 1,377 metric tons (MT) at 2,084 ektarya ng agricultural areas sa Western Visayas.

Pero ayon sa DA, ang naturang values ay subject pa sa validation.

Kaugnay nito, sinabi rin ng ahensya sa pamamagitan ng kanilang Regional Field Offices (RFOs) na nagsasagawa pa sila ng karagdagang assessment at validation ng mga danyos na dulot ng tropical depression sa agri-fisheries sector.

Samantala, magbibigay naman ang DA ng tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda, gaya ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar; Gamot at biologics para sa livestock at poultry needs; Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at available funds mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *