Team Pinas, hakot ng medalya sa SEA Games

Tuloy ang pamamayagpag ng galing ng Pinoy sa mga sporting events na ginanap sa maghapon para sa 31st SEA Games sa Vietnam.

Humarap sa iba’t ibang event ang gymnastics team ng Pinas sa pangunguna ng olympian na si Carlos Yulo.

Sa wushu, silver medal ang babauning pauwi ni Jones Inso para sa men’s taolu taijiquan event.

Sa women’s volleball, nilampaso ng Pilipinas ang Malaysia sa mga iskor na 25-14; 25-20; at 25-15. Nakatakda nitong sagupain ang kampyon na Thailand bukas, araw ng Sabado.

Nag-uwi ng bronze medal ang rowing team na binubuo nina Edgar Ilas, Roque Abala Jr., Zuriel Sumintac, at Joachim De Jesus para sa men’s lightweight coxless four event.

Bronze din ang nasungkit ng women’s rowing team na kinabibilangan nina Joanie Delgaco, Kharl Julianne Sha, Feiza Jane Lenton, at Alyssa Hannah Go para sa women’s lightweight quadruple sculls event.

Sa men’s lightweight quadruple sculls event ng rowing, bronze medal ang nabingwit nina Athens Tolentino, Van Maxilom, CJ Jasmin, at Emmanuel ObaƱa.

Pinatumba ng Gilas 3×3 men’s squad ang koponan ng Cambodia sa iskor na 19-7. Pinataob din nito ang Thailand sa iskor na 21-16, habang mamaya ay kahaharapin nila ang koponan ng Indonesia para sa prelims.

Ginapos din sa hard court ng Gilas 2×2 women’s squad ang Cambodia sa iskor na 21-5. Ngayong alas-kuwatro ay binangga nito ang host country na Vietnam, habang mamayang gabi ay kahaharapin nito ang Thailand para sa prelims.

Sa ngayon, nananatili pa rin ang Pilipinas sa 5th spot na mayroong 15 medalya – 1 gold medal; 6 silver medals; at 8 bronze medals.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.